Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di perpektong katawan ni Solenn, ibinalandra

080414 Solenn Heussaff
ni Alex Datu

SHE got guts para aminin sa press noong Calayan launch para sa kanya bilang pinakabagong endorser para sa Slim Laser at French Facial na hindi talaga perpekto ang kanyang katawan.  Nakabibilib siya dahil siya mismo ang nagsabing ang mga sexy pictorial na nakikita sa mga magazine at dyaryo ay peke at nakikitang perfect ang kanyang figure dahil sa photoshop.  As in, hindi raw lahat ng mga promotional photo nito ay totoo niyang katawan. Very honest indeed!

Aniya, mayroon siyang mga unwanted fats sa katawan lalo na sa bewang. Hindi rin makurba ang kanyang katawan dahil deretso ito gaya ng isang typical French girl. Thus, ito ang dahilan kaya tinanggap niya ang pagiging endorser ng body contour ni Calayan para ma-maintain ang kanyang kasekaihan at magkaroon pa ng improvements.

Kaya lang kabaliktaran ‘ata ang nangyari dahil isang Solenn ang humarap sa press na puwedeng sabihing swak talagang mag-endorse ng Slim Laser dahil literally, slim talaga siya kahit saang angulo ng katawan.  She’s perfect ‘ika nga, beautiful, sexy, talented and healthy. And to add, she’s a complete package—an actress, a singer, TV host, model, fashion designer, painter and a professional make-up artist.

Ang nakapagtataka, wala siyang sinusunod na beauty regimen.  Aniya, “Kasi rati wala akong ginagawa anything sa katawan, kahit cleansing, kahit facial, parang lalaki talaga ako. Tapos noong pumasok ako sa showbiz, s’yempre naman kailangan alagaan ‘yung skin, everyday naka-make-up.”

Hence, inamin nitong hindi siya beauty expert kaya naman, pinili nito ang Calayan Surgicenterna mangangalaga ng kanyang katawan. Kaya naman, she’s enjoying the Calayan’s Solenn French Facial na kung tawagin ay two in one package, hydroxyfacial at gold facial which uses 24-carat gold mask para ma-rejuvinate at maging firm ang balat.

DR. MANNY, MAY BAGONG SHOW SA GMA

Sa interbyu naman kay Dr Manny Calayan, nabanggit nito na may inihahanda ngayon ang GMA-7 na isang TV show na Wish Ko Lang ang peg at isa sa mga magiging featured personality sa kanyang field of specialization.  As in, tutulong siya sa mga nangangailan ng operation ng libre.  Aniya, “Pinaplano pa ito at sana naman matuloy para makatulong tayo. Tulad sa ‘Magtiwala Ka’, isang indie film tungkol sa Yolanda victims. Naging artista ako roon ng wala sa oras he he. Roon ginamot ko si Keanna (Reeves).”

Nagpahayag din siya ng disappointment bilang taga-ayos ng mga palpak na trabaho ng ibang nagkukunwaring surgeon? Aniya, “Nakaka-frustrate lang kasi parang wala tayong regulation na dapat susundin, dapat ang ginagamit nila ay ‘yung ginagamit sa mga tao talaga. Pero hindi naman lahat tinatanggap ko kasi kung sirang-sira na, hindi na talaga puwede i-restore.”

Sa ngayon, may plano silang nasa Medical Association na dalhin sa Kongreso ang kanilang hinaing para mabigyan ito ng solusyon.  Aniya, “Unfair ‘yun para sa amin, kasi kami nag-aral ng ilang taon, nagpa-kahirap, gumastos pero itong mga fly-by-night doctors, gusto lang nilang magkapera.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …