NATANGGAP na ng Philippine National Police (PNP) ang commitment order para ilipat ang model na si Deniece Cornejo sa Taguig City Jail.
Hawak na ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang kopya ng nasabing order.
Nauna rito, ibinasura ng Taguig Regional Trial Court Branch 271 ang mosyon nina Cornejo at Cedric Lee na manatili sa PNP detention cell.
Sina Cornejo at Lee ay sinampahan ng kasong assault and serious illegal detention kaugnay sa pambubugbog sa TV host/actor na si Vhong Navarro noong Enero.
Si Lee ay nakakulong sa National Bureau of Investigation (NBI) habang si Cornejo ay nakapiit sa CIDG sa Camp Crame.
VHONG NAVARRO ‘DI PAAAREGLO
BINIGYANG-DIIN ng kampo ni actor/TV host Vhong Navarro na hindi sila makikipag-areglo sa kaso kina model Deniece Cornejo, businessman Cedric Lee, at iba pang mga akusado.
Ayon kay Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, nagpakita lamang ang kanyang kliyente nitong Lunes sa Taguig Regional Trial Court bilang respeto sa proseso ng korte.
Hindi dumalo ang aktor sa pagdinig kundi nanatili lamang sa ikalawang palapag ng gusali dahil ayaw makaharap sina Cornejo, Lee at Zimmer Raz na dumalo nang araw na iyon.
Sinampahan ni Navarro ng grave coercion charges sina Cornejo, Lee, Raz, si Bernice na kapatid ni Lee, at tatlong iba pa kaugnay sa mauling incident noong Enero 22 ng grupo ni Lee.
(JAJA GARCIA)