Saturday , November 2 2024

Agri-tourism inilunsad kontra-gutom

080614_FRONT
PARA labanan ang malawakang pagkagutom, inilunsad kahapon ang kampanya sa Agri-Tourism, para sanayin at linangin ang kaalaman ng mga magsasaka sa pagpapalago ng kanilang ani at kita.

Sa pangunguna ng batang negosyanteng si Antonio ‘Tony” Tiu, pormal na pinasinayaan kahapon sa Rosario, Batangas ang Sunchamp Agri-Tourism Park kasama sina Presidential Adviser on Agricultural Modernization and Food Security Kiko Pangilinan at ilang mga senador gaya ni Antonio Trillanes IV.

Bilang isang makabagong paraan sa pagpapalago ng negosyo sa agrikultura, layunin ng Sunchamp Agri-Tourism Park na gawing nakaaaliw ang pag-aaral sa mga local na produktong agrikultura at iba pa.

Layunin din ng Park na maging “educational” ang karanasan ng sino mang papasyal sa naturang lugar.

Ayon kay Tiu na Chairman/CEO ng Greenergy Holdings Inc., at siyang Founder at Executive Chairman ng AgriNurture, INC. (ANI), naisip niya ang programa sa paniwalang ang Filipinas ay isang agri-nation at ang mga yaman nito ay hindi napapakinabangan sa pangkalahatan.

“Tayo ang nagsu-supply sa ibang bansa ng lahat ng kanilang kailangan pero bakit isa tayo sa mga pinakamahirap na bansa?” pahayag ni Tiu.

Sa pamamagitan ng ANI, ipinamalas ni Tiu ang husay ng mga Pinoy sa pandaigdigang kalakalan. Lahat ng kanyang programa ay environment-friendly rin.

Sa tulong ng mga kompanya sa ilalim ng ANI, layunin din ng Sunchamp na magpahiram ng mga binhi sa mga magsasaka sa lugar. Ito ay para maituring silang “contract growers” at lalo pang mapataas ang kanilang kita.

Sa pamamagitan nito, maipakikita na maari rin itong gayahin sa iba pang probinsiya.

“Ang paniwala ko, ang tagumpay ng isang kompanya ay hindi lamang nakasalalay sa laki nito kundi sa naging kontribusyon sa sangkatauhan,” ani Tiu.

Ang GHI at ANI ay nagsasagawa ng tinatawag na “farm to plate” model na ang bawat ani ay tinitiyak na darating sa mga hapag kainan kahit saan pa mang bahagi ng mundo.

Bukod sa local na kapakinabangan nito, ang Agri-Tourism Park ay makatutulong din sa pagpapalakas ng turismo sa probinsiya ng Batangas.

Si dating senador Pangilinan ay may sarili rin sakahan kung kaya’y siya ang napiling manguna sa pagbubukas ng park. Kasama niya ang ilan pang malalaking pangalan sa industruya ng agrikultura at mga ulilang bata na inilibot sa kabuuan ng park.

Sa kanilang pag-iikot ay tinuruan sila tungkol sa pagpapalago ng mga tinatawag na high value crops gaya ng letsugas, siling pula at berde, kamatis at iba pang maaanghang na pananim. Mayroon din carabao mango at cacao farm, asparagus farm at iba pa.

Binigyan ng pagkakataong aktuwal na matikman ng mga bisita ang mga inaning pananim mula sa Park.

Ang ANI ay tumitiyak na lahat ng produkto ay sariwa at walang kemikal gaya ng saging, pinya at papaya na ini-export sa mga bansang China, Japan, Korea, at Middle Eastern, European, at North America.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

PNP PRO3

PRO3 PNP hanang-handa na sa ikinasang seguridad para sa Undas

PINAKILOS ni PRO3 Regional Director P/BGen. Redrico Maranan ang kaniyang matataas na opisyal upang personal …

Knife Blood

Ama patay sa saksak ng anak na ‘high’ sa bato

LULONG sa ‘bato’ ang sinabing dahilan kung bakit sinaksak ang ama ng kaniyang sariling anak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *