SINAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 118 pasahero sa na-stranded na MV Super Shuttle Roro III sa karagatang bahagi ng Balikasag Island sa Tagbilaran City, Bohol province.
Ayon kay PCG Commander Rodolfo Villajuan, mula Cagayan de Oro City at bumibiyahe papuntang Cebu City ang nasabing barko nang mawalan ng enerhiya ang makina kaya tumirik sa laot.
Bunsod nito, nagpalutang-lutang na lamang ang barko sa dagat ngunit umalma ang mga pasahero dahil walang ibinigay na pagkain ang crew ng barko.
(BETH JULIAN)