Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, inalam muna ang estado nina Ryan at Willie bago tinanggap ang Talentadong Pinoy

080514 willie  ryan robin mariel
ni Roldan Castro

TALENTADONG couple kung tawagin ngayon sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil sila ang magho-host ng pagbabalik ng Talentadong Pinoy na magsisimula sa August 16 sa TV5.

Nakatsikahan namin ang mag-asawa sa photo shoot nila para sa naturang show sa TV. Hindi naman daw napi-pressure si Robin na galing ang show kay Ryan Agoncillo at naging matagumpay ito.

“Ang lahat ng bagay dito sa mundo, kung ano ang ikaloob ng Panginoong Diyos, ‘yun ako, hindi ako mapi-pressure. Basta ibibigay namin ni Mariel ang 100. Sasamahan namin ng dasal, kung anuman ang mangyari, eh,’yun ang  kaloob, eh!

“At ako naman hindi namin masasabi na amin ni Mariel ang show. Sa ngayon  ay kami ang tatayong host, hindi natin alam kung babalik si Ryan o mapupunta rin kay Willie (Revillame), hindi natin alam, eh. Sa ngayon ay kami ang host na gawing bida ‘yung mga talentadong Pinoy. Basta gagawin namin ang the best namin,” sey ng action superstar-TV host.

Bago tinanggap ang show ay inalam niya muna kung ano ang nangyari kina Ryan Agoncillo at Willie Revillame kaya hindi sila natuloy sa show.

“Siyempre una kong inalam, ayokong may masasagasaan, tinanong ko agad kung ano ang nangyari kay Ryan, tapos ‘yung pangalawa, ‘yung usapan kay Willie bago ko tinanggap,” deklara niya.

Marami ring suggestion si Robin para sa show. Gusto niya sana ay makilala ang mga pamilya ng contestant at pumunta sa bahay-bahay nila. Pero nabaril ito dahil baka raw maakusahan sila na may bias sa  nasabing talent show.

Ang naaprubahan ay sabay-sabay nilang ka-lunch ang mga contestant bago mag-start ang taping para makilala raw niya ang mga ito maski sa pangalan lang.

Ayaw daw niya kasi na during the show ay parang kaplastikan lang ang nangyayari at wala siya talagang konek sa mga contestant.

Binigyan din ng power si Robin na maging abogado ng contestant bawat episode. ‘Pag ibinaba ng judges ang kurtina puwede mailigtas ni Binoe at ipagtatanggol niya sa mga hurado.

Hindi ipinagkaloob kay Mariel ang power na ‘yun pero magsisilbi siyang taga-awat at taga-kalma ‘pag nakikipag-initan na si Binoe sa mga hurado.

Samantala, hindi naman nila nakikita na maapektuhan ang show kung sakaling may LQ sila. Bihira raw mangyari ‘yun. Pag-amin ni Robin, siya lang naman daw ang nakikipag-LQ na mababaw ang dahilan.

Tinanong din kung kailan sila magkaka-baby dahil perfect 10 ang ibinibigay ni Robin sa asawa bilang  wife.

Sabi nila ay pag umabot na ng 32 si Mariel. So, may dalawang taon pa silang ibinibigay para bumuo ng baby. Sa ngayon ini-enjoy pa ni Binoe na siya ang baby ni Mariel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …