INIUTOS na ng Sandiganbayan 1st division ang pagsuspinde kay Sen. Bong Revilla, nahaharap sa kasong plunder dahil sa pork barrel fund scam.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan 1st division, 90 araw o katumbas ng tatlong buwan ang suspensiyon kay Revilla.
Noong nakaraang buwan, unang sinuspinde bilang senador sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.
May pagkakataon pa ang kampo ni Revilla na iapela ang kautusan ng anti-graft court.
Bukod sa mambabatas, suspendido rin sa ano mang function ang kanyang dating legal officer na si Atty. Richard Cambe.
Sa panahon ng suspensyon, walang mga benepisyong matatanggap ang mga opisyal at hindi rin sila maaaring gumanap ng trabaho sa Senado.
Layunin ng suspension order na maiwasang makaimpluwensya ang mga opisyal habang sila ay iniimbestigahan.