Saturday , November 2 2024

P50-M massacre deal sa DoJ kompirmado

MISMONG ang dating tauhan ni Andal Ampatuan Sr., ang nagkompirma na nagkaroon ng P50 million deal para sa public prosecutors ng Maguindanao massacre case.

Nangyari aniya ang nasabing kasunduan noong siya ay nasa panig pa ng mga Ampatuan.

Ayon kay Lakmodin Saliao, siya ang naatasan noon na makipag-usap sa abogado ng kanyang amo para ibigay ang nasabing halaga.

Kwento ni Saliao, naideposito nila ang nasabing halaga at P20 million na para kay Department of Justice Usec. Francisco Baraan III na nangangasiwa sa panel of prosecutors.

“Nasa Ampatuan pa ako noon. Ako mismo tumawag kay Atty. (Sigfred) Fortun para gumawa ng paraan kung paano namin mabayaran ang panel. Para po ‘yun sa kalayaan ng mga Ampatuan at hindi na po makikialam ang DoJ sa pagkukulong ng mga Ampatuan,” wika ni Saliao.

Una rito, inakusahan din ni Atty. Nena Santos ang DoJ prosecutors ng pakikipag-deal sa kampo ng mga Ampatuan.

Sa panig ni Baraan, itinanggi niya ang mga alegasyon.

Pagtitiyak ng opisyal, wala silang ibang nais kundi ang mabigyan ng katarungan ang 58 biktima ng massacre.   (HNT)

 

P50-M MASSACRE DEAL IIMBESTIGAHAN — DE LIMA

TINIYAK ni Justice Secretary Leila De Lima, nakahanda silang magpaimbestiga kung kinakailangan, sa usapin ng panunuhol sa public prosecutors upang pahinain ang Maguindanao massacre case laban sa 28 akusado kabilang ang pamilya Ampatuan.

Reaksiyon ito ng kalihim sa mga ibinulgar ng private prosecutor at abogada ni Gov. Mangudadatu at iba pang mga biktima, na si Atty. Nena Santos, sinabing tinangka siyang suhulan ng P300 million noong 2012 upang ilaglag ang kaso.

Ngunit ayon kay De Lima, hindi ibig sabihin na porke hindi tinanggap ni Atty. Santos ang naturang halaga ng suhol ay naibigay na ito sa prosecutors ng gobyerno.

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

PNP PRO3

PRO3 PNP hanang-handa na sa ikinasang seguridad para sa Undas

PINAKILOS ni PRO3 Regional Director P/BGen. Redrico Maranan ang kaniyang matataas na opisyal upang personal …

Knife Blood

Ama patay sa saksak ng anak na ‘high’ sa bato

LULONG sa ‘bato’ ang sinabing dahilan kung bakit sinaksak ang ama ng kaniyang sariling anak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *