Sunday , November 3 2024

Misis sugatan sa kawatan na manyakis

NAKATAKDANG sampahan ng patong-patong na kaso ang isang kawatan na manyakis makaraan gahasain at saksakin ang niloloobang 38-anyos ginang sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling araw.

Sa follow-up operation, agad nasakote ang suspek na kinilalang si Rolando Balesa, 38, caretaker ng isang bahay sa #103 L. San Diego St., Brgy. Canumay, nahaharap sa mga kasong rape, robberry at frustrated homicide.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang si Carolina Calixto, 38, PT admin officer ng St. Lukes Medical Center, at residente ng kalapit na bahay na binabantayan ng suspek sa nasabing barangay, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat mula kay Valenzuela City Police chief, S/Supt. Rhoderick Armamento, dakong 1 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing barangay.

Pinasok ng suspek ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagbasag sa decorative tiles sa pader hanggang maabot ang door knob nito.

Nagising ang biktima habang isa-isang inilalagay sa bag ng suspek ang mga kagamitan ngunit tinutukan siya ng patalim sa leeg saka ginahasa.

Lumaban ang biktima kaya pinagsasaksak siya ng suspek saka mabilis na tumakas. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *