Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, maraming mami-miss sa Moon of Desire

072914 meg imperial

ni Roldan Castro

MARAMING mami-miss si Meg Imperial dahil nasa huling dalawang Linggo na ang kanyang seryeng Moon of Desire.

“Mami-miss ko ‘yung pagtuturo sa kin ni Direk (FM Reyes) dahil ‘di naman lahat ng directors ay magtityagang turuan ang artist. ‘Yung mga kulitan ng casts. ‘Yung ‘pag walang taping lumalabas kami. Halos lahat mami-miss ko kasi ang daming itinuro sa akin ng ‘Moon of Desire’ sa  craftmanship  at pagiging isang tao,” malungkot na pahayag ni Meg..

Sa  Book 2 ng MOD ay lumabas na ang tunay na pagkatao ni Ayla (Meg) bilang taong lobo.

“Mahirap maging lobo kasi more than two hours ang time na ginugugol sa pagkakabit ng prosthetics. Tapos, kailangang mag-research din kung paano gumalaw ang mga taong lobo. At saka, hindi  lang naman ako ang kinakabitan ng prosthetics kaya matagal,” kuwento pa niya.

Sey pa ni Meg, marami pang puwedeng tutukan sa huling dalawang Linggo ng Moon of Desire gaya ng kung magkakatuluyan ba sila ni Jeff (JC De Vera). Magtatagumpay ba si Jason Abalos (Ulric) sa plano niya? Manganganib ang buhay ni Ayla, makaligtas kaya siya?Mabuo kaya ang  pamilya niya sa piling ng kanyang ama (AJ Dee) at  ina (Precious Lara Quigaman)?

Pakatutukan ang huling dalawang linggo ng Moon of Desire, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …