Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Killer tandem pumalag sa parak tigbak

080514 dead tandem

SINISIYASAT ng mga tauhan ng Manila Police District-Homecide Section ang bumulagtang riding in tandem makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa P. Burgos Dr., Intramuros, Maynila. (BONG SON)

BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang hindi nakilalang lalaki nang makipagpalitan ng putok sa dalawang pulis na sumita sa kanila kahapon ng madaling-araw sa Ermita, Maynila.

Ayon sa ulat ni PO2 Michael Maragun, dakong 4:25 a.m. nang maganap ang insidente sa Round Table, P. Burgos Drive, Intramuros, Maynila.

Lulan ng itim na Honda wave 100 (1273 UP) ang dalawang lalaki sa nabanggit na lugar nang sitahin nina PO1 Ricardo Lo at PO1 Vhermon Guerrero, kapwa nakatalaga sa Manila Police District Mobile Patrol, Ermita Police Station 5.

Ngunit biglang bumunot ng baril ang dalawang lalaki na nagresulta sa palitan ng putok.

Hinala ng pulisya, ang dalawang napatay ay kabilang sa mga nanghoholdap sa lugar.

(LEONARD BASILIO – May kasamang ulat ni John Bryan Ulanday)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …