Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Happy pictures nina Raymart at Claudine, kumalat sa social media! (Sa 7th birthday ng kanilang anak na si Santino…)

080514 raymart claudine
ni Alex Brosas

KUMALAT sa social media ang pictures nina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa 7th birthday celebration ng anak nilang si Santino.

Isa sa mga nag-post ang GMA entertainment reporter na si Aubrey Carampel na naroon sa party. Nakunan si Raymart habang sinisindihan ang candle ng birthday cake ni Santino habang nasa tabi niya  sina Claudine at Sabina. Sa isang photo naman na lumabas sa isang website, nakunan si Raymart na karga-karga si Santino habang hinihipan niya ang candle ng kanyang cake.

Sa lahat ng mga kuha nila, kitang-kita ang happiness nina Claudine at Raymart. Ang daming natuwa sa mga photo na naglabasan sa social media. Ang feeling ng marami, kahit sandali lang, for the sake of their son na si Santino ay naging masaya ang ex-couple, nawala ang tension na namagitan sa kanila these past few days.

Marami ang nagwi-wish na sana ay pangmatagalan na ang saya sa mukha nina Claudine at Raymart. Many are hoping na magkabati na sila nang tuluyan at mawala na ang mga kaso sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …