Sunday , November 3 2024

Apo ni Atienza nag-suicide sa Anorexia (45/F ng condo dinayb)

080514_FRONT

TUMALON mula sa ika-45 palapag ng isang condominium ang apo ni dating Manila Mayor at ngayon ay party-list Rep. Lito Atienza dahil sa matinding depresyon sa lungsod ng Makati kamakalawa ng hapon.

Namatay noon din ang biktimang si Andrea Georgia “Adi” Atienza Beltran, 18, ng West To-wer 1 Condominium,1 Rockwell Drive, Brgy. Poblacion, Makati City, estudyante ng Endoron Colleges, Global City, Taguig City.

Sa ulat ng Makati City Police, dakong 3 p.m. nang mangyari ang insidente sa 45th floor ng West Tower Condomi-nium sa 1 Rockwell Drive, Brgy.  Poblacion ng natu-rang siyudad.

Sinasabing matinding depresyon ang nararanasan ng biktima dahil sa sakit na anorexia at mata-gal nang nagbabantang magpapakamatay.

Sinasabing ayaw ipa-labas sa media ang insidente kaya news blockout ang ipinaiiral sa naturang condominium, batay sa isang source na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Kamakalawa, nagtungo umano sa Makati City Police Headquarters si dating Manila Mayor Lito Atienza, dahil ang ina ng biktima ay anak ng dating alkalde.

Hindi pinayagan ng pamilya na ipa-autopsy ang bangkay ng biktima at tumanggi rin magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa insidente.

ni JAJA GARCIA

Sariling dibdib pinasabog
BOMBERO NAGBARIL SA FIRE STATION

PATAY ang isang 53-anyos bombero makaraan magbaril sa dibdib sa loob ng kanilang barracks sa fire station ng Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si SFO3 Raul Cortez ng Bureau of Fire – San Lazaro Station sa Rizal Avenue, Sta Cruz, Maynila, residente ng #2021 Calamba Street, Sampaloc, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Christian Caparaz, ng Manila Police District Homicide Section, dakong 8 a.m. nang maganap ang insidente sa loob ng barracks ng San Lazaro Fire Station sa Rizal Avenue.

Bago ang insidente, nilapitan si SFO1 Florante Lozano, 52 anyos, ng Lot 30, La Mesa Village, Valenzuela City, ng biktimang malungkot at nagpaalam na siya ay magpapahinga nang matagal.

Nang sila ay nakahiga na, biglang nakarinig si Lozano ng putok ng baril at nakitang duguan ang biktima habang hawak ang baril.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(LEONARD BASILIO – May kasamang ulat ni John Bryan Ulanday)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *