Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solenn, ayaw ng bonggang kasalan

080414 Solenn Heussaff

ni Roldan Castro

BALITANG pagsasamahin sa isang Regal movie ang dalawang sex symbol na sina Solenn Heussaff at Ellen Adarna.

Mas lalong bumongga ang career ni Ellen nang mapanood sa seryeng  Moon of Desire with Meg Imperial na nasa huling dalawang Linggo na.

“I love Ellen! She’s super fun. ‘Diba bongga ‘yung career niya ngayon? I’m happy for her,”reaksyon ni Sollen nang makatsikahan siya bilang bagong endorser ng Calayan Surgical Corp. Mayroon ngayong tinatawag na Solenn French Facial at Calayan’s Sexy Solenn Slim Laser.

“Si Ellen ‘yung workout buddy ko since rati pa. Siya nag-introduce sa akin sa plyometrics. Super fun to be around, she’s so kalog!

“Gusto ko sa kanya, she doesn’t care what people think about her and she’s very… maybe a little too honest sometimes!”

Sino ang mas luka-luka sa kanila?

“‘Yung luka-luka, pareho. Pero baka ako, mag-e-edit, siya hindi. Siya walang edit. Whatever she thinks, she says it, so iyon ang gusto ko sa kanya. Parang hindi siya showbiz na personality.Kaya marami siyang haters din, tulad ko, but we embrace it,” bulalas pa ni Solenn.

Tinanong din siya kung kailan magpapakasal sa kanyang boyfriend na si Nico Bolzico.

“Settled down na naman ako, almost three years nag-li-live in na kami. ‘Pag may singsing, same, wala namang mag-iiba,” deklara niya.

Hindi naman daw niya minamadali ang kasal kahit pangarap ito ng bawat babae. At gusto niya sa abroad mangyari  ang kasalan at maliit lang. Mga 60 lang daw ang guests. Ilan sa mga nabanggit niyang artista na iimbitahin ay sina Lovi Poe, Heart Evangelista, Rhian Ramos,  Rufa Mae Quinto, Bianca King, at Michelle Madrigal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …