Monday , December 23 2024

PNoy ‘di na uulit

WALANG balak si Pangulong Benigno Aquino III na labagin ang batas at palawigin pa ang kanyang termino kahit pa may gumugulong na online petition na humihiling na manatili siya sa Palasyo matapos ang 2016.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas na hanggang isang termino o anim na taon lang ang panunugkulan ng Pangulo ng bansa, at determinado ang Pangulong Aquino na sundin ito.

Itinanggi ni Coloma na ang Palasyo ang nasa likod ng Facebook page na “One More Term For PNoy” na sinimulan noong nakaraang Marso na nakakuha na ng mahigit 4,000 “likes.”

“Wala po kaming kinalaman sa pagpapahayag na ganyan. ‘Yan po ay spontaneous at natural na pagpapahayag ng saloobin. Alam naman po natin ang nature ng ating social media, bukas at hayag sa lahat. Wala naman pong kumokontrol niyan,” ayon kay Coloma.

Kahit na ano pa man aniya ang sentimyento ng publiko at nilalaman ng nasabing petisyon, mananaig ang probisyon sa Konstitusyon na hanggang isang termino lang ang Pangulo ng bansa.

“Kaya sa kabila ng mga pahayag na ’yan, ang ipapaalala lang po natin sa kanila ay ‘yung probisyon ng Saligang Batas hinggil sa iisang termino lang na anim na taon.

Basta po naririnig namin at nababasa rin naman ‘yang mga ‘yan. Ano pa man ang nilalaman niyan, ang Saligang Batas pa rin po ang iiral,” dagdag ni Coloma.

(ROSE NOVENARIO)

PANAWAGAN NI KRIS NORMAL LANG – COLOMA

WALANG masama sa panawagan ni presidential sister Kris Aquino sa publiko na suportahan ang kanyang kuya na si Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa Palasyo.

Sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., normal lang sa magkakapatid ang magmalasakit sa isa’t isa at ito ang konteksto ng mensahe ni Kris para sa kanyang Kuya. “Madali naman pong maunawaan ang konteksto at kahulugan ng kanyang sinabi dahil ito naman ay likas na saloobin ng magkakapatid hinggil sa kanilang kapatid. Tayo pong mga Filipino ay mapagmahal sa ating mga kapatid at malapit po ang ating pakikipag-ugnayan sa lahat ng kasapi ng ating pamilya,” ani Coloma. (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *