Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pintor utas sa hataw ng baseball bat

080414 dead baseball bat
DALAWANG malakas na palo ng baseball bat sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang pintor nang hatawin ng kanyang kaalitan sa Paco, Maynila, iniulat kahapon.

Patay agad ang biktimang si Danilo Pecayo, ng 1340 A. Burgos St. Paco, Maynila nang mapuruhan sa ulo ng stainless baseball bat.

Sa imbestigasyon ni SPO1 John Charles Duran, ng Manila Police District – Homicide Section, dakong 7:30 p.m., nang maganap ang insidente sa kanto ng Pedro Gil St., at President Quirino Avenue, sa Paco.

Ayon sa testigong si Justin Jazzie Pascua, 31, newspaper vendor, ng 1558 Figueroa St., nakita niya na nagbabatohan ang biktima at isang hindi nakilalang suspek na sinasabing empleyado ng Lawis Gym Equipment, sa nabangit na lugar .

“Nakita ko ‘yong lalaki may hawak na stainless bat, pabalik-balik na naglalakad na parang may hinihintay. Maya-maya nakita ko ‘yong biktima dumarating may kasamang tatlong lalaki, pinagbabato nila ‘yong suspek, pero nakailag kaya pinalo siya ng bat sa ulo,” ayon kay Pascua.

Sa lakas ng palo ng bat, natumba ang biktima, nang makitang babangon ay muling hinataw ng bat sa ulo kaya namatay.

Sinabi ni Pascua, may mga sinasabi ang suspek habang tumatakas pero sa salitang bisaya.

Inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng pangyayari habang dinala sa St. Rich Funeral ang bangkay ng biktima para i-awtopsiya. (LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …