Monday , December 23 2024

Parak timbog sa putok (Dahil sa selos)

KALABOSO ang isang bagitong pulis nang ireklamo sa pagpapaputok ng baril sa kalagitnaan ng pag-aaway nila ng kinakasama sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa.

Si PO1 Jupiter Balea, 34, nakatalaga sa Camp Crame, ng 614 Makisig St., Bacood, Sta. Mesa, Maynila, ay inaresto ng nagrespondeng si SPO3 Edgar Mancal, ng MPD-SWAT.

Ayon kay SPO1 James Poso, ng Manila Police District- General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), dakong 6:45 p.m. nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek at kinakasamang si Tricia Ryce, 25.

“Nag-aaway ang dalawa sa loob ng bahay nang makarinig kami ng dalawang putok ng baril kaya inireport namin sa barangay dahil natakot kami na baka may tamaan,” pahayag ng kapitbahay na sina Elizabeth Relegarse at Elyssa Silos. Agad tumawag ng pulis si Barangay Kagawad Noli Legarce, ng Barangay 618, Zone 61, kaya naaresto ang suspek.

Sa presinto, inamin ni Ryce na selos ang dahilan ng kanilang pag-aaway ng kinakasamang pulis.

Inihahanda na ang kasong indiscriminate firing at alarm scandal na isasampa laban sa suspek habang nasa kustodiya ng Punta Police Community Prescint (PCP).

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *