NAKIKILAHOK ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Sierra Leone sa pag-iibayo ng mga hakbang sa Sierra Leone laban sa outbreak ng Ebola virus.
Iniulat na deklaradong walang pasok at sarado ang lahat ng mga establisimento ngayong araw, Agosto 4, dahil sa National “Stay at Home Day.”
Ang National “Stay at Home Day” for Family Reflections, Education and Prayers, ay katulad din ng quarantine day na ipinatupad sa bansang Liberia na magsasagawa ng routine examination and advisory hinggil sa Ebola virus.
Dagdag sa ulat, may paalala na ang gobyerno roon na hindi na makihalubilo sa maraming tao at iwasang makipagkamayan.
Kaugnay nito, magsasara rin ang embahada sa Sierra Leone ngayong araw bunsod ng pagkadeklara ng Quarantine Day at kanselado muna ang mga transaksiyon.
Samantala, iniulat sa bansang Liberia, nananatiling ligtas ang mga OFW sa kanilang pinapasukang trabaho kahit may outbreak.
Tanging mga restaurant lamang ang bukas nang magsagawa ng quarantine day hinggil sa lumalalang nabibiktima ng Ebola virus.