Wednesday , December 25 2024

Kumusta Ka Ligaya (Ika-9 labas)

PUMALAOT NA SI DONDON SA MAS MAPANGANIB NA HANAPBUHAY PARA MAGKALAMAN ANG TIYAN

Inakbayan siya ni Helicopter sa kanilang paglalakad. Pumasok sila sa isang maliit na restoran na malapit sa terminal ng mga mini-bus. Alas-diyes pasado pa lamang ng umaga ay pananghalian na ang kinain nila ng kanyang kakosa.

Nagkape sina Dondon at Helicopermatapos kumain. Sa pagitan ng paghigop-higop ng kape ay saka pa lang binuksan ng kakosa niya ang tungkol sa “diskarte” nito sa buhay-laya.

“G-gravel and sand… B-bato ang linya mo?” ang bulalas ni Dondon na muntik nang napalakas.

“Yes or no lang ang sagot kung payag ka o hindi payag na maging ka-partner ko,” ang matigas na paninindigan ni Helicopter.

Matagal-tagal na nahimas-himas ni Dondon ang sariling noo. Pero sa pagtango niya sa kakosa ay matatag na “oo” ang kanyang naging pasiya.

“Very good!” sabi ni Helicopter na tuwang-tuwa.

At mahigpit siyang kinamayan ng siga-sigang tulak sa erya ng Sta. Cruz.

Pinapel ni Dondon ang pagiging runner ni Bong Helicopter sa pagbebenta ng pakonti-konting gramo ng droga. Sa pagde-deli-ver ng ipinagbabawal na gamot sa mga adik-adik ay noon lamang niya naranasan na magkalaman nang malaki-laking halaga ang kanyang bulsa. Kaya nang magtagal-tagal ay nangupahan na siya sa isang entreswelo. Nakabili ng ilang kasangkapang-bahay at personal na gamit. At nakakakain ng mga pagkain na gusto niyang ka-inin.

Pero kakabit naman niyon ay buhay na tila-walang katahimikan at kapahingahan. Pwede kasi siyang madakma ng mga awtoridad at muling mabilanggo dahil sa pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot. Bukod dito, may mga pagkakataon din na nagkakaproblema siya sa mga balasubas at “arsonist” na matapos makakuha ng droga ay nagtatago na sa kanya.

“Kosa, sa business natin, e, ‘di ubra ang consignment. Dapat kaliwaan… At kinakailangan mong pumusturang astig para pangilagan ka,” ang leksiyon na itinuro sa kanya ni Helicopter.

Laking lansangan, sa pakikipag-partner ni Dondon kay Helicoper ay lalo siyang nag-angkin ng tapang, naging tuso at tumigas na parang bato ang puso.

Pero laging laman ng isipan niya si Ligaya na hindi naman nakalilimot mag-text sa kanya sa gabi. Paulit-ulit nitong nasabi sa mensahe ang sanhi ng ‘di nila pagkikita sa mga araw ng Linggo. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *