ni Roland Lerum
ATAT na atat na talagang pasukin ni Inigo Pascual ang showbiz. Seventeen na raw kasi siya at time na niya para mag-artista. Ang problema lang, kumakapital siya sa tatay niyang si Piolo Pascual para sumikat.Akala kasi ni Inigo, kahawig siya ni Piolo eh hindi naman! Hindi siya star material, kung tutuusin. Mas marami pang anak ng artista na mas guwapo kaysa kanya. Hindi rin outstanding ang boses niya para bumilib ka. Mas maganda pa rin ang boses ni Piolo kahit hindi siya sumikat bilang singer.
Kahit anong gawin ni Inigo, ikukompara siya at ikukompara sa tatay niya na mas angat ang qualities sa kanya. Kaya payong kapatid lang, mag-aral ka na lang at tapusin ang college education. ‘Pag nagtapos ka, saka magtrabaho sa ikauunlad mo kaysa pasukin ang showbiz na wala ka namang future!
Aljur, may pagkukulang din para umunlad bilang aktor
GUSTO na talagang iwan ni Aljur Abrenica ang GMA-7. Hindi na kasi siya masaya sa network na umaruga sa kanya at nagpalaki. Para sa kanya, mali ang mga paraan ng Siete para siya umunlad bilang aktor.
“Hindi kasi umaakma sa akin ang direction na gusto nila para sa akin at ganoon din ako,” sabi ni Aljur sa interbyu ng ABS CBN.
Feeling ni Aljur, mas aasenso siya kung lilipat siya sa Dos. Sa Dos kasi, ang mga tulad nina Paolo Avelino at JC de Vera plus ang naunang si Jake Cuenca na dating taga-Siete ay mas umunlad bilang aktor at sumikat kaysa noong naroon pa sila sa Kapuso Channel.
May pagkukulang din si Aljur kung tutuusin. Ano mang pagsisikap ng Siete na umunlad siya, kung siya mismo ay hindi pinagbubuti ang pag-arte, wala ring mangyayari talaga sa kanya. Sa rami ng teleserye na ibinigay sa kanya, hindi man lang siya kinakitaan ng galing at husay bilang aktor.
Sina Paolo at JC pa at ang gumagaling ngayong si Jake, masasabi naming wrong project ang ibinigay ng Siete sa kanila kaya nanatili silang supporting. Pero lead role naman ang ibinigay sa kanya at pinagbuti ba naman niya? ‘Yung huli niyang teleserye na Kambal Sirena, walang impact ang acting niya. Hindi komo’t kay Louise delos Reyes ang pokus ng nasabing drama, wala siyang magagawa, ‘di ba?
Sana nga sa paglipat ni Aljur sa Dos, maipakita niya sa lahat na hindi siya nagkamaling idulog pa sa korte ang problema niyang mawala na sa kontrata ng network na pinagpala siya!