Sunday , November 3 2024

Ginang pisak sa traktora

PISAK ang isang ginang nang mahagip at pumailalim sa tractor head habang tumatawid sa Radial Road 10 sa Vitas,Tondo,Maynila, iniulat kahapon.

Labas ang utak at nayupi ang katawan ng biktimang si Honey Desuyo, ng Happy Land, Vitas, habang arestado ang driver na si Philip Juanchon, 34, ng Mabini St., Pinyahan, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rey Fernandez ,ng Manila Police District – Traffic Enforcement Unit, dakong 10:45 a.m. nang maganap ang insidente sa Northbound lane ng Capulong at Road 10 sa nasabing lugar.

Tumatawid ang biktima nang mahagip ng paparating na tractor head na may hatak na trailer, patungong Phillippine Port Authority (PPA).

Naulila ni Fernandez ang dalawang anak at asawa. (LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *