IBINABA ng ilang kompanya ng langis ang presyo ng gasolina pero itinaas ang presyo ng diesel at kerosene na epektibong ipatutupad bukas.
Unang inianunsiyo ng Flying V ang pagpapatupad ng pagbaba sa pres-yo ng gasolina ng P0.90 kada litro habang P0.40 ang itinaas kada litro ng kanilang diesel.
Ibinaba ng Flying V ang kanilang presyo kasunod ng kompirmasyon ng Petron at Sea Oil na kanilang binawasan ang presyo ng gasolina na P0.75 kada litro habang P0.35 dagdag-presyo kada litro ng diesel at P0.25 dagdag sa kerosene.
Dakong 12:01 a.m. araw ng Lunes, epektibo ang nasabing bawas-dagdag presyo.
Nag-abiso rin kahapon ng dagdag-bawas ang Phoenix Petroleum na P0.75 kada litro sa gasolina ang ibababa habang tataas ng P0.35 kada litro ang diesel na epektibo ngayong 6:00 a.m.
Naglalalaro sa pagitan ng P51-52 kada litro ang gasolina habang nasa P40-41 naman ang diesel.
Ang gasolina ay gamit ng mga sports utility vehicle (SUV) habang ang diesel ay gamit ng ilang taxi driver, jeepney drivers, ilang delivery truck, tricycle at motorsiklo.
Ang kerosene ay ginagamit na panggatong sa pagluluto ng mga kabahayan na hindi kayang bumili ng liquefied petroleum gas. (JAJA GARCIA)