INILAGAY ni TV5 news anchor Paolo Bediones sa kanyang Instagram account ang larawan ng blackmail letter na kanyang tinanggap kaugnay sa video ng pakikipagtalik niya sa isang starlet.
“At the PNP-Anti Cybercrime Division. Investigation has begun. Please help me put a stop to this. Thank you,” ayon sa inilagay na caption ni Bediones sa kanyang post.
Si Bediones ay naghain ng reklamo sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group kaugnay sa pagkalat ng kanyang private video sa Internet.
Sa kanyang reklamo, nakatanggap siya ng blackmail letter kaugnay sa video tatlong buwan makaraang ipa-repair ang nasira niyang laptop.
Ang nasabing video, ayon kay Bediones na kuha limang taon na ang nakararaan, ay naka-save sa nasabing laptop.
Binalewala ni Bediones ang sulat na nakasaad sa blackmail letter, ang video ay hindi ilalabas sa publiko kung tatawag si Bediones sa cellphone number na nasa sulat.
“Hawak ko ngayon ang mga sex videos mo. Madali naman akong kausap! Kung ayaw mong lumabas ito sa publiko, tawagan mo ako,” ayon sa sulat.
Iniimbestigahan ng PNP ang kaso, at tinutunton ang links ng video para mabatid kung sino ang nag-upload sa Internet.