SA LATEST interview para sa kanyang major concert titled “Celestine” na produce ni Pops Fernandez, na gaganapin sa October 3 sa MOA Arena buong ningning na sinagot ng Ultimate Multi-media Star at soon to be Box Office Queen na si Toni Gonzaga.
Ang mga pintas sa kanya sa social media sa kanyang bagong TVC ng Ponds, na sinasabing siya ang pinakapangit sa mga girls na kasama niya sa commercial na sina Heart Evangelista, Jasmine Curtis at Julia Barretto. Sinasabihan pa siya ng duling at kung ano-ano pang panlalait sa itsura niya na obyus na gusto lang siyang siraan dahil insecure sa kanyang sobrang kasikatan.
Ito lang ang naging tugon ni Toni sa mga nambubuwisit sa kanya, “Kahit naman noon pinipintasan na ako. Mula sa hibla ng buhok ko hanggang sa dulo ng kuko, so wala nang bago doon. Walang paki si Toni sa pamimintas sa mga taong ‘yan dahil mahalaga sa kanya ang magkaroon ng energy sa kanyang big concert na suportado ng buong Gonzaga fa-mily, long time boyfriend na si direk Paul Soriano at milyon-milyong fans.
For sure, pupunuin ni Toni ang buong Arena. And I’m very positive na this will be a big hit gyud!