Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NCIS star na ospital dahil sa Tina

080314 Pauley Perrette NCIS

NATURAL na blonde ang NCIS star na si Pauley Perrette at kaya itim ang buhok niya sa popular na serye sa telebisyon ay dahil pinatitina niya ang kanyang buhok sa nakalipas na 20 taon.

Sa kabila nito, talagang nagulat ang TV star nang humantong siya sa ospital sanhi na rin ng severe allergic reaction dahil sa tina.

“Nagmukha bang puffy ang aking ulo sa red carpet? Nagkaroon pala ako ng dangerous allergic reaction sa gina-gamit kong hair dye,” sinulat ni Perrette sa kanyang Twitter account. Nag-share ang 45-anyos na aktres ng larawan ng namamaga niyang mukha sa kanyang fans, “ito ako noong nasa ospital.”

Subalit hindi rin naman biglaan ang naging allergy ni Pauley. Sinabi niya sa KCAL9 nakaranas siya ng pangangati sa kanyang leeg at anit matapos na magtina may anim na buwan ang nakalipas—hindi niya nga lang pinansin ito.

Ayon kay Dr. Sejal Shah, isang New York-based cosmetic dermatologist, ang allergy ni Perrette ay maaaring nagmula sa para-phenylenediamine (PPD), isang sangkap na pangkaraniwang makikita sa itim na hair dye, mga temporary at black henna tattoo, at sa ilang mga damit na kulay itim.

Sinabi rin ni Shah na habang ang PPD ay isang potent sa kemikal sa permanent dye at semi-permanent dye, may iba pang mga sangkap na maaaring maging dahilan ng allergic reaction din.

Payo ni Shah kapag nagtitina sa sariling tahanan, i-check ang label ng gagami-ting hair dye para malaman ang PPD, m-Aminophenols, p-Aminophenols, toluene-2,5-diamine, at resorcinol—na kilalang mga irritant.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …