Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-8 labas)

INISIP NI DONDON NA UMIIWAS SA KANYA SI LIGAYA PERO NABUHAYAN NG LOOB DAHIL SA DATING KOSA

 

“Basta’t maayos ang sweldo at marangal na trabaho, e, dapat na natin pagtiisan, di ba?” ang sabi ni Ligaya na parang payo na rin sa kanya.

“Kaso nga,e, wala akong makita…” aniya sa pagtutungo ng ulo.

Pinisil siya sa kamay ng dalaga.

“Sige lang, laban…” anitong ipinagdiinan ang katagang “laban.”

Umabot hanggang sa kaibuturan ng puso niya ang dampi ng mainit-init na palad ng dalaga na nanghawak sa kanyang kamay.

“S-salamat…” ang tangi ni-yang nasambit.

Nadoble ang higpit ng pagpisil ni Ligaya sa kamay niya.

“Mas maluwag ang oras ko sa gabi… text-text lang tayo, ha?” paalala nito sa kanya.

Nang sumunod na Linggo ay hindi nakipagkita kay Dondon si Ligaya. Biglaan daw kasi itong napag-utusan ng amo. “Sorry” ang karugtong ng mensaheng iyon, pero hindi na nito idinetalye ang dahilan sa pagbibiyahe sa isang malayo-la-yong lugar sa labas ng Maynila nang araw na ‘yun.

Ganoon din ang nangyari at dahilan nang ‘di pakikipagkita sa binata ng dalaga nang sumunod na Linggo.

“Kahit pala Linggo ay hindi ko sarili ang aking oras. Hindi naman ako makatanggi… Sorry, ha?” ang ikinatuwiran sa kanya ni Ligaya.

Sumaisip agad ni Dondon na baka gu-magawa na lamang ng alibi ang dalaga. Talaga yatang masyadong nagiging sensetibo at maramdamin ang isang taong nasa abang kalagayan – lalo’t pagdating sa minamahal.

Noon siya pumuwesto sa kahabaan ng Rizal Avenue. Dating gawi, kinotongan niya sa pagtatrapik-trapikan ang mga jeepney driver. Hi-nihingan ng lima-limang piso ang kada driver ng FX na namimik-ap doon ng pasahero.

At doon siya natagpuan ni Bong Helicopter na nakalaya na pala sa piitan.

“Ikaw agad ang hinanap ko, Kosa,” ngiti nito sa pagtapik sa balikat ni Dondon.

“Talaga?Bakit naman?” naitanong niya.

“Ibahin mo ako, Kosa…Nangako ako sa ‘yo noon na isasama kita sa diskarte ko, di ba? Ngayon na ‘yun, Kosa,” ang sagot ng naging mayor niya sa nasamahan noong brigada sa kulungan.

“A-ano’ng diskarte natin, Kosa?” usisa pa ni Dondon.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …