Monday , December 23 2024

Ebola virus monitoring higpitan — Palasyo

PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mamamayan kaugnay sa Ebola virus outbreak na halos isang libong katao na ang namatay.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may sapat na kakayahan ang Department of Health para ma-monitor ang pagpasok ng mga galing Africa.

Ayon kay Valte, puspusan ang ginagawang pagbabantay sa mga paliparan na naka-heightened alert para mapigilang makapasok ang Ebola virus na kumakalat na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Dahil dito, nasa alert level two na rin ang mga bansa kung saan kumakalat ang virus, ibig sabihin bukod sa pinag-iingat na ang mga Filipino na nasa ibang bansa ay hindi na maaaring pumunta ang ating mga kababayan sa mga bansang apektado ng virus partikular sa Sierra Leone, Liberia at Nigeria.

Sa mga paliparan sa bansa mayroon nang nakalagay na thermal scanners para makita ang mga pasaherong may lagnat.

Kapag ang pasahero ay nakitaan ng sintomas ng Ebola gaya ng lagnat, pagdurugo, pagsusuka at pananakit ng katawan ay agad isasailalim sa quarantine at titingnan kung positibo o negatibo siya sa nasabing sakit.

7 Pinoy Mula sa Sierra Leone
INOOBSERBAHAN SA EBOLA VIRUS

PITONG Filipino na galing sa Sierra Leone ang binabantayan ng Department of Health (DOH) upang alamin kung mayroon silang sintomas ng Ebola virus.

Ayon kay DoH spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, sa ngayon ay nananatiling Ebola-free ang bansa ngunit kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat.

Tinututukan na rin ng pamahalaan ang mga pantalan at point of entry ng mga dayuhan at umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) na galing sa Sierra Leone, Guinea at Liberia.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *