Sunday , November 24 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 49)

ISANG ‘DIYOSA’ ANG NAKATKDANG SUMIRA SA SAMAHAN NG BARKADA

“Kahit boss ko siya,” sabi pa ni Justin,

Aliw na aliw sina Jay at Ryan nang ipakilala ko sa kanila si Justin na “Jasmin” ang ginamit na pangalan. Malaking tao kasi siya pero pumipilantik ang mga daliri at pilit pinagbo-boses-babae ang mala-kwak-kwak na tinig. Sa-sabihin ko sanang ipakilala niya ako kay Megan, pero naunang humirit si Jay.

“Jas, introduce mo naman ako sa bes mo, o.”

“Okey lang kung gusto n’yo talagang maki-lala at maging friend si Meg. Sige, ipakikilala ko kayong tatlo sa aking bes…” ang pangako ni Justin sa amin nina Jay at Ryan bago siya tulu-yang pumasok sa gate nina Megan nang pakembot-kembot.

Sa pamamagitan nga ni Justin ay nakilala namin nina Jay at Ryan si Megan na “Meg” ang palayaw. ‘Yun ang naging pasaporte naming tatlo upang madalaw namin siya sa bahay. Noon namin nabatid na taga-Tanza ang kanyang pamilya. At may pagka-Ameican girl ang ugali niya. Sa edad na disiotso ay nagsasariling-buhay siya upang malasap ang mas malayang pamumuhay. Matanda kaming magkakabar-kada ng isang taon kay Meg na beinte uno anyos. Pero mukhang malawak at malalim ang pana-naw niya sa maraming aspeto ng buhay. Kasi nga ay maaga siyang kumawala sa bakuran ng kanyang mga magulang. Marami na rin siyang naging karanasan sa pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao sa lipunan.

Sa obserbasyon ko, parang unti-unting nag-karoon ng mga pagbabago sa samahan namin nina Jay at Ryan. Dumalang ang aming mga pagkikita. At solo-solo na kaming dumadalaw kay Megan. At kapag nagkakaharap-harap naman sa loob ng bahay ng pinopormahan na-ming chikababes ay parang napapaso ang isa’t isa sa amin. Ang masaklap pa, sa harap ni Megan ay ramdam ko ang pagpapataasan ng ihi nina Jay at Ryan. At nagsisiraan pa ang da-lawa sa talikuran. Ewan kung pati ako ay patraydor din nilang ‘sinasaksak sa likod.’

Ang sumbong sa akin ni Jay: “Pati ako, ‘Dre, sa harap ni Meg, e gusto pang paandaran ni Ryan, huh?”

Sabi naman ni Ryan nang makausap ko: “’Kala mo kung sinong bossing ang Jay na ‘yun lalo’t kaharap namin si Meg… Kung makapag-utos, e, ibig palabasin na alalay lang n’ya ako.”

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *