Saturday , November 2 2024

Desperado nanratrat at nagbaril sa sentido ( Mag-asawang biyenan patay, live-in partners kritikal)

080314_FRONT

PATAY ang mag-asawang biyenan habang kritikal ang mag-live-in nang magwala at mamaril ang 33-anyos lalaki na ayaw nang balikan ng kanyang kinakasama sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa.

Hindi na nadala sa ospital ang mga biyenan ng suspek (nasa kritikal na kondisyon) na kinilalang si Arvi Villa, 33, ng No. 3 Aquarius St., Remarville Subd., Bagbag, Novaliches, Quezon City, nang magbaril sa sariling sentido matapos ratratin ang mag-asawang Sergio Aguilar, 47, at Maria Lourdes Aguilar, 46, habang kritikal sa Philippine General Hospital (PGH) si Maridref Tolentino, 26, pawang residente ng Unit 104 Tenement Building, Punta, Sta Ana.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District- Homicide Section, dakong 9:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima.

Dumating ang suspek para hikayatin ang kinakasamang si Tolentino pero matigas na tumanggi kaya nagwala si Villa.

Habang umaawat ang ina ni Tolentino na si Maria Lourdes at madrasto na si Sergio, binaril ng suspek ang mag-asawa na agad namatay noon din, saka isinunod na binaril ang sinusuyong live-in.

Nang makitang tumimbuwang din si Tolentino, nagbaril ang suspek sa sentido habang nasa loob ng banyo.

Napag-alaman na may anim na taon nang nagsasama ang suspek at si Tolentino pero dahil sa matinding away umalis ng bahay ang babae.

ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *