Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3-anyos kinidnap ng yayang bading

DUMULOG sa Manila Police District-General  Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang mga magulang ng tatlong-taon gulang na batang lalaki na dinukot ng kanyang bading na yaya sa Maynila, kamakalawa.

Ang magkarelasyong Jayson Jervoso, 30, at Jessel Lazarna, 28, kapwa ng 1222 BF Muñoz St., San Andres, Maynila ay lumapit kay PO3 Adonis Aguila, ng MPD-GAIS, upang i-report ang pagkawala ng kanilang anak na si Miguel, 3, matapos tangayin ng suspek na si Esmeraldo Operario, ng 2166 Calvin St., Singalong, Maynila.

Ayon sa mga magulang, dalawang buwan nang nagtatrabaho bilang yaya ang suspek nang tangayin ang bata.

Sa pagsisiyasat, nalaman ng pulisya na 10 taon hindi nakita sa kanilang lugar ang suspek dahil nanirahan sa Bicol at nang bumalik ay pumasok bilang yaya ng dinukot na bata.

Nabatid na tinangay din ng suspek ang cellphone at iPod ni Jervoso.

Walang maibigay na impormasyon ang mga kaanak ng suspek na tinukoy nilang bading.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …