Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paano lulunasan ang depresyon at kalungkutan

ALAM ba ninyong ang sobrang depresyon at kalungkuta’y nagiging dahilan para tayo’y magkaroon ng sakit sa puso? Napatunayan na ng mga doktor na isa sa mga dahilan ng atake o “stroke” ay kapag ‘di na makayanan ng isang tao ang  bigat ng problemang bitbit sa dibdib.

Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado ay magbibigay ng payo si Mader Ricky Reyes kung paano natin malulunasan ang kalungkutan.

“Ang mga babae’y nagpupunta sa dance class para habang kumekendeng sa tugtog ng aerobics, mumba, Tahitian o Hawaiian ay lumalakas ang katawan at mag-goodbye sa depresyon. Mayroong nagwi-window shopping, nagfu-foodtrip o nakikipagtsikahan sa mga amiga sa mall” sabi ni Mader Ricky.

“Ang mga lalaki nama’y pumapasok sa sports tulad ng golf, tennis, at badminton. Puwede rin silang magpunta sa spa at mag-work out sa mga gym. Minsa’y tumatawag ng ilang kaibigan para maglaro ng chess, tong-its at poker,” dagdag ng beauty guru.

Magbibigay din ang GRR TNT ng listahan ng mga pagkaing “anti-depressant” tulad ng iba-ibang klase ng chocolate bars, cake, at matamis na napatunayang nakapagpapasigla ng pakiramdam. Bisita sa programa ang isang 18-anyos na You-Tube singing sensation. Aawitin niya ang mga walang kamatayang theme song ng mga romantiko na garantisadong makatatanggal ng lungkot habang binabalikan natin ang matatamis at masasayang araw sa ating buhay.

Pasasayahin din ni Mader ang isang malungkuting ginang.  Patitikman niya rito ang make over magic sa kanyang segment na  Welcome To My World.

Samahan natin tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m. si Mader RR sa kanyang lifestyle program na prodyus ng ScriptoVision at umeere sa GMA News TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …