HINDI rin naman nagsasa-wa ang MMK (Maalaala Mo Kaya) sa pag-tatampok ng mga tambalang patuloy na mamahalin ng mga manonood sa mga darating na panahon!
First time na magtatambal ang Kapamilya teen stars na sina Miles Ocampo at Khalil Ramos sa naturang palabas ng ABS-CBN sa episode ngayong Sabado (Agosto 2).
Bibigyang katauhan nila ang nasa estado ng m.u. (mutual understanding) na sina Che at Mark.
Bagamat hindi opisyal na magkarelasyon, puno ng pag-ibig at saya ang buhay ng dalawa. Mistulang perpekto na ang lahat para sa kanila hanggang aminin ni Mark kay Che na nahulog na ang kanyang loob sa ibang babae na ipinagbubuntis na ang kanyang anak. At dahil dito, nawasak ang puso ni Che.
Posible bang umusad ang buhay ni Che kung ang lahat ng nasa paligid niya ay nagsisilbing paalala ng lahat ng masasayang pinagsaluhan nila ni Mark? Mapapatawad niya ba ang taong kapwa nagparamdam sa kanya ng labis na pagmamahal at nagparamdam sa puso niya ng matinding sakit?
Mapapanood din sa naturang episode sina Ana Capri, Sofia Andres, Francis Magundayao, Mikylla Ramirez, at Claire Ruiz, sa ilalim ng direksiyon ni Raz de la Torre at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario .
Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Filipino saan man sa mundo angMaalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kuwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.
Tingin niyo-may something ang Miles-Khalil tandem?