Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-anak nalason sa paksiw na isda

PATAY ang isang ina at nasa malubhang kondisyon ang limang kasapi ng pamilya nang malason sa inulam na isda sa pananghalian sa Sagay City, Negros Occidental.

Matapos makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, at pagsusuka ay namatay ang biktimang si Elsie Bayona, 67, ng Hacienda Albina, Purok Kalubihan, Brgy. 1, sa nasabing lungsod.

Ang asawa ng namatay, na si Melchor, 64; mga anak na sina Ronilo, 33; Ronald, 29; at Maricel, 25; apong isang taon at siyam na buwang gulang ay ginagamot sa Vicente Gustilo Memorial District Hospital sa Escalante City dahil sa pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Ayon sa pulisya, ipinaksiw ni Elsie ang isdang Tuloy na kanilang inulam sa pananghalian, makalipas ang ilang oras ay nakaramdam ng panghihina, pananakit ng tiyan ang pamilya.

Masusing sinusuri ang isdang inulam ng mga biktima upang malaman kung ito ang dahilan ng pagkalason ng mag-anak. (Beth Julian)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …