DAHIL kaibigan ni Solenn Heussaff si Lovi Poe at nasa kandili sila ng iisang manager, tinanong siya sa presscon ng Calayan Surgical Corp kung ano ang reaksiyon niya sa isnaban umano nina Marian Rivera at Lovi sa Sunday noontime show ng GMA.
Nagpaalam daw si Lovi at binati ang kapartner niya sa serye na si Dingdong Dantespero dinedma niya si Marian.
May koneksiyon din daw ito sa ‘away’ nina Marian at Heart Evangelista. Matalik na kaibigan ni Heart si Lovi at may tsismis na pati sila ay idinadamay umano ni Marian.
“Hindi ko alam kung totoo,” sey ni Solenn.
Sinabi ni Solenn na ‘pag nasa work siya ay parang may suot daw siyang maskara. Kahit daw tanungin ang mga co-actor niya ‘pag may taping sila ay laging tahimik siya. Ayaw daw niyang isali ang sarili niya at isawsaw sa mga kadramahan o anything.
Iniintindi na lang ni Solenn ang pagiging bagong endorser ng Calayan na mayroon silang Solenn French Facial at Calayan’s Sexy Solenn Slim Laser.
Tsuk!