Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Greta, ayaw pag-usapan ang ukol sa kasalan

080214 gretchen barretto

ni RONNIE CARRASCO III

PALIBHASA kapado na ng entertainment press ang karakas ni Gretchen Barretto, at her recent presscon when surrounded by the media ay puro mga pa-cute questions muna ang mga ibinabatong tanong sa kanya.

As a figure of speech, mahihiya ang palabok sa rami ng mga pasakalye before any reporter would dare ask Gretchen ng anumang kontrobersiyal at napapanahong tanong. Kabilang dito ang mga isyung sangkot ang kanyang mga kapatid na sinaMarjorie at Claudine.

Marjorie sa isyung nais nitong ipagamit sa kanyang anak na si Julia ang apelyidong Barretto in all her official documents, thus dropping the name Baldivia na tunay nitong apelyido mula sa amang si Dennis Padilla.

Claudine, on the other hand, sa isyung paglalantad naman nito ng mga larawan insinuating that she was a “battered person,” na isa ring malaking bilao ng palabok ng laos ng aktres when she could have directly pointed her accusing finger at her estranged husband Raymart Santiago.

Pero sa kabila ng mga katsipang isyu confronting her family, as usual, pinairal na naman ni Gretchen ang kanyang anti-media stance by choosing to flaunt her signature shoes and outfit.

Nang tanungin ng isang TV reporter if she (Gretchen) imagined herself wearing a bridal gown, sagot ng hitad, ”I don’t wanna answer your question,” na ikinatahimik na lang ng nagtanong.

Sa naging umpukan namin ng nasoplang TV reporter, pagmamalaki niya, ”At least, ikinasal ako…at may college diploma ako.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …