MISMONG si presidential sister Kris Aquino ay duda kung kayang tapusin ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang termino hanggang 2016.
Sa kanyang mensahe kahapon makaraan ang misa para sa ikalimang death anniversary ni dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park, bilang nagbabayad aniya nang malaking buwis ay nanawagan si Kris sa publiko na bigyan ng lakas ang kanyang kuya, dahil hindi tulad ng kanilang nanay na kaya ang responsibilidad ng isang lider ng bansa.
“When it was mom’s time and nakikita ko ngayon si Secretary Gazmin, never naging issue sa amin e. We didn’t have to pray for her. No matter what she went through we knew she could handle it. But it’s really different when it’s your brother. Iba iyong nararamdaman mo, iba iyong gusto mong gawin para matulungan siya and siguro ako may karapatan magsalita dahil alam naman ni Noy kung gaano kalaki iyong buwis na binabayad ko,” aniya.
Giit niya, kailangan ng kanyang Kuya ang suporta nilang magkakapatid sanhi ng hindi niya kayang mag-isa at dapat ayudahan kaya’t hiniling niya sa madla na ipanalangin na manatiling buhay ang pangulo.
“He can’t do it on his own. We need to stand by him and give him strength. And please pray with us also that he stays alive. Hindi iyong ano talaga kasi parang — hindi gusto namin talaga good health, wisdom, strength, courage and he has the fortitude to last,” sabi pa ni Kris.
ni ROSE NOVENARIO
5TH DEATH ANNIV NI CORY PRIBADONG GINUNITA NG AQUINOs
NAGING pribado ang paggunita ng pamilya Aquino sa ika-limang anibersaryo ng kamatayan ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Batay sa abiso ng Malacañang, hindi bukas sa media ang aktibidad ni Pangulong Bengino “Noynoy” Aquino III sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Isang pribadong misa ang inialay ng Pangulong Aquino at kanyang mga kapatid sa puntod ng kanilang yumaong magulang dakong 11:00 a.m. kahapon.
Pagkatapos nito ay balik Malacañang si Pangulong Aquino para sa pulong sa ilang miyembro ng gabinete.
Nilinaw ng mga opisyal ng Palasyo na maayos si Pangulong Aquino at medyo abala pagkatapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA) kaya hindi napagkikita ng publiko.
PAGBABA NG POPULARIDAD NI PNOY INISMOL
MINALIIT ng Palasyo ang pagbaba ng antas ng popularidad ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, “We have a healthy plurality that continues to support the President. We believe just as the President has explained the real situation of the country, the public will respond accordingly.”
Base sa Pulse Asia survey, mula 70% noong Marso, bumagsak sa 56% ang performance o approval ratings ni Pangulong Aquino nitong Hunyo.
Habang bumaba sa 53% ang trust ratings niya mula sa 69% sa unang quarter ng taon, ang pinakamababa simula nang maluklok siya sa Palasyo noong 2010.
Bumaba rin ang approval ratings ni Vice President Jejomar Binay na mula sa 87% noong Marso, ay naging 81% nitong Hunyo. Habang 79% ang bago niyang trust ratings mula sa dating 86%.
(ROSE NOVENARIO)