MAAARING pumasok sa Lunes o Martes sa Philippine Area of responsibility ang namataang panibagong tropical storm sa Pacific Ocean.
Ayon kay Pagasa forecaster Gener Quitliong, sa ngayon nasa Pacific Ocean pa ang namumuong sama ng panahon na may taglay lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour (kph) at pagbugso na 100 kph.
Gayunman, wala pang forecast model ang nasabing bagyo kung magla-landfall ito sa bansa o dadaan sa dinaanan din ng bagyong Inday.
Kung papasok ito sa teritoryo ng Filipinas, ito ay tatawaging bagyong Jose.