Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, never nagmarka sa mga ginawang soap

072614 Aljur Abrenica
ni Ronnie Carrasco III

BILANG bahagi ng Startalk ay marami ang nagtanong sa amin through text nitong Sabado, July 26—halfway through the show—kung bakit hindi tinalakay ng programa ang isyu involving Aljur Abrenica.

Mid-week kasi nang maghain ng kaukulang petisyon ang kampo ni Aljur which in layman’s language means na nais na niyang magpa-release sa GMA citing a number of ambiguous reasons, para sa amin.

As we speak now, may bubunuin pang mahigit dalawang taon si Aljur as stipulated in his contract, and he wants it terminated batay nga sa kanyang mga kadahilanan.

As a result of his decision, Aljur has incurred brickbats on social media, partikular na ang kawalan daw niya ng utang na loob sa estasyong nagbigay-daan sa katuparan ng kanyang pangarap. An alumnus of GMA’s Starstruck that hailed him as the Ultimate Hunk, hindi raw ba nilingon ni Aljur ang estasyon that made him who he is today?

Medyo subject nga lang ng isang masusing debate ang kinalabasan ni Aljur from virtual nothingness to what has become of him today. Pero hindi maipagkakaila that he already has a premium to boot and a name to crow about.

Pero hanggang doon na lang ‘yon.

Sa itinagal-tagal ni Aljur sa showbiz—having done several soaps—nunkang nagmarka ang kanyang performance. He was, still is and will remain as a Class A male prostitute on screen na ang maaari lang mapanalunan ay Best Actor in a non-acting category award for his Juicy Orgasmic Single Performance!

The nerve and the verve para magmalaki na kesyo hindi raw “aligned” sa kanyang career goal kuno ang itinatakbo ng kanyang karera sa GMA. What alignment is Aljur yakking about, eh, hungkag naman siya sa pag-arte, ‘no!

Hindi rin daw nasunod ng GMA ang dapat sana’y pakete ni Aljur bilang isang singer. Minsan na naming napakinggang kumanta ng live si Aljur, and with an ear for music, hindi siya pang-soloista kundi backup singer lang.

Bukod kasi sa manipis tulad ng sinulid ang kanyang boses for his built, mabuti pa ang doorbell na may timbre.

Aljur is a damn “hammy-hammy” actor and a damn “kiyeme-kiyeme” singer, na kinabitan lang ng damn “yummy-yummy” body!

Naging kabuntot na rin tuloy ng pang-ookray kay Aljur ay ang kinikimkim niyang insecurities kay Alden Richards who’s his junior. If true, Aljur’s insecurities towards Alden are valid.

‘Di hamak namang mas magaling gazillion times si Al(den) kaysa kay Al(jur)…eto ang tunay na aktor.

Not Aljur, the HAM and the SHAM actor that he is…and will always be?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …