Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alerto itinaas ng DoH vs Ebola virus

NAGTAAS pa ng alerto ang Department of Health (DoH) nang pumalo na sa halos 800 ang bilang ng mga namamatay dahil sa Ebola virus.

Ito ay mula sa mahi-git 1,200 na bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit.

Ayon kay DoH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, maituturing nang nakaaalarma ang halos 50-75 percent fatality rate para sa kahit anong sakit.

Dahil dito, nakikipagtulungan na ang DoH sa iba pang ahensiya ng pamahalaan upang matiyak na walang makalulusot na virus carrier sa ating bansa.

Una rito, katuwang na ng DoH ang World Health Organization (DoH) para sa paglaban sa nakamamatay na virus.

Sa ngayon ay nananatiling Ebola free pa rin ang Filipinas.

OFWs SA SIERRA LEONE, LIBERIA TODO-INGAT VS EBOLA OUTBREAK

TODO-INGAT ang mga Filipino sa Sierra Leone at Liberia sa West Africa kaugnay sa Ebola outbreak.

Ito ay sa kabila na ligtas sila mula sa nasabing virus.

Ayon kay Jonathan Tuazon, Jr., isang overseas Filipino worker (OFW) at empleyado sa isang mining company sa Sierra Leone, mahigpit pa rin ang kanilang pag-iingat at pagsunod sa preventive measures na ipinatutupad ng pamahalaan.

Ayon kay Tuazon, kompleto ang ibinigay na paalala sa kanila ng medical team ng kanilang kompanya at ginagawang regular ang monitoring sa kanilang temperature.

Dagdag pa niya, walang dapat ikatakot sa Ebola virus kapag sinusunod lang ang mga babala ng gobyerno tulad na lamang sa pag-iwas sa pakikipagkamay at pakikisalamuha sa mga lokal.

Bagama’t isolated ang kanilang kinalalagyan ay nag-iingat pa rin sila at hindi rin nagkompiyansa ang pamunuan ng kanilang kompanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …