KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang pagdukot at paggahasa ng anim na Libyan youth sa isang Filipina nurse sa Libya.
Bunsod nito, muling nanawagan ang DFA sa mga Filipino na lumikas na.
“We reiterate our call to our remaining nationals in Libya to immediately get in touch with the Philippine Embassy in Tripoli and register for repatriation. The Philippine government will shoulder the repatriation costs.”
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni DFA spokesman Charles Jose, ang Filipina ay dinukot nitong Miyerkoles ng umaga (Tripoli time) sa harap ng kanyang bahay ng apat na Libyan youth.
“Two hours later, she was released after allegedly being raped by six Libyan youth,” aniya.
Dinala ang biktima ng Philippine embassy consular team sa ospital.
“She is now under the care of the embassy,” pahayag ni Jose.
(JAJA GARCIA)
PINOYS SA LIBYA DAPAT NANG LUMIKAS — PALASYO
HINDI na dapat pang mag-dalawang-isip ang overseas Filipino workers (OFWs) sa paglikas sa Libya sa lalong madaling panahon dahil mapanganib ang sitwasyon dulot ng digmaang sibil.
Umapela ang Palasyo kahapon sa OFWs sa Libya makaraan kompirmahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dinukot at ginahasa ng anim kabataang Libyan ang isang Filipina nurse sa isang tagong lugar sa Tripoli.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., mariing kinokondena ng pamahalaang Filipinas ang pagdukot at gang rape sa nasabing Filipina nurse.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Phil. Embassy sa Tripoli ang biktima makaraan sumailalim sa medical check-up sa isang pagamutan.
(ROSE NOVENARIO)