YUCK!
Nadiskubre sa Sichuan province ng Tsina ang masasabing pinakamalaking flying aquatic insect sa mundo, ayon sa mga local na opisyal dito.
Batay sa pahayag ng Insect Museum of West China, bitbit ng ekspedisyon sa outskirts ng Chengdu ang mga specimen ng dobsonflies na may wingspan na 8.3 pulgada at mayroon din malalaking pangil na tulad sa ahas. Ang dating pinakamalaking lumilipad na insekto na naitala ay South American helicopter damselfly, na may wingspan sumusukat ng 7.5 pulgada.
Wala ito kung ihahambing sa mga aquatic insect na nabuhay ng 250 milyon-taon nakalipas: mga higanteng dragonfly na may wingspan na umaabot sa 30 pulgada, sinabi ng museo.
Sinabi ng mga entomologist na ang presensya ng dambuhalang dobsonfly, na native sa Tsina at Vietnam, ay indikasyon ng malinis na tubig kalapit sa pinamumugaran ng mga ito.
Ayon naman sa CNN, ang mga akuwatikong insekto ay “sensitibo sa anumang pagbabago sa pH ng tubig at gayon din sa presensya ng trace elements ng mga pollutant.” Kapag ang tubig ay kahit ‘slightly contaminated’ lamang, lumilipat ang giant dobsonfly para maghanap ng malinis na tubig.”
Kinalap ni Tracy Cabrera