Monday , December 23 2024

Naburyong na bebot nanaksak sa St. Luke’s (Walang bakante sa trabaho)

MALUBHANG nasugatan ang isang sekretarya ng isang dentista makaraan pagsasaksakin ng isang babaeng naburyong nang hindi tanggapin sa trabaho sa loob ng St. Lukes Medical Center sa Quezon City kahapon.

Sugatan at nakaratay sa nasabing ospital ang biktimang si Diony Concepcion, 40, sanhi ng saksak sa ulo, baba, at likurang bahagi ng katawan.

Samantala, agad naaresto ang suspek ng mga guwardiya ng ospital, na kinilalang si Laura Cruz, 42, ng Gagalangin, Tondo, Maynila. Narekober sa kanya ang 11 pulgadang kutsilyo.

Sa imbestigasyon, dakong 11:30 a.m. dumating ang suspek sa klinika ni Dr. Angela Castro, dentista, sa 4th floor ng Medical Arts Bldg., ng St. Luke’s para mag-apply ulit ng trabaho.

Nang sabihin ng doktora na walang bakante, nagalit ang suspek, inilabas ang dalang kutsilyo mula sa kanyang bag saka pinagsasaksak ang biktima.

Ayon sa pulisya, maraming beses nang pabalik-balik ang suspek sa klinika para mag-apply ng trabaho sa doktora ngunit walang bakante.

(ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *