LAOAG CITY – Kritikal ang kondisyon ng isang lalaki na nagbaril sa kanyang sarili makaraan barilin ang kanyang lover na may asawa na sa Brgy. Daquioag, Marcos, Ilocos Norte kamakalawa.
Ayon kay S/Insp Arnel Tabaog, hepe ng Marcos Police, nahihirapan ang mga doktor ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City na alisin ang balang bumaon sa utak ni Harry Bayudan.
Ani Tabaog, nabatid sa kanilang imbestigasyon, mismong si Bayudan ang bumaril sa kanyang sarili makaraan barilin sa pisngi ang hinihinalang lover na si Laila Garcia y Rasalan, may asawa, at inakalang napatay niya.
Kahit nasa kritikal na kondisyon ang suspek ay isinampa na ang kasong frustrated murder laban sa kanya.
(BETH JULIAN)