ni Nonie V. Nicasio
ISA si Ian de Leon sa cast ng Sundalong Kanin na entry ni Direk Janice O’Hara sa New Breed Category ng Cinemalaya 2014. Gumanap siya rito bilang tatay ng mga batang sumabak sa giyera.
Nasabi rin sa amin ni Ian na gusto niyang magkaroon ng regular TV show. “Wala akong contract sa kahit anong network, wishing nga na mayroon sana para tuloy-tuloy ang trabaho. Siguro in God’s time ay magkarooon din, sana soon,” nakangiting saad ng 38 year old na actor.
Ano ang masasabi niya sa pelikula ng Mommy Guy niya na Hustisya at Dementia na ngayon pa lang ay inaabangan na ng marami?
“Yes, happy and proud ako sa mga ginagawa niyang indie movies, as always ay full support naman kaming lahat kay Mommy.”