HINDI matutuloy ang ika-23 FIBA Asia U18 Championship na dapat sanang ganapin sa Doha, Qatar mula Agosto 19 hanggang 28.
Ito’y dahil nagdesisyon ang Qatar Basketball Federation na umatras sa pagiging punong abala ng torneo.
“FIBA Asia is in pursuit of a new venue and dates for the said championship, which will be notified very soon,” pahayag ni FIBA Asia Secretary General Hagop Khajirian.
“The sub-zone qualifying tournaments that were conducted for the 23rd FIBA Asia U18 Championship will however remain valid, and the teams that have qualified will retain their status.”
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kasali sa torneo at si Jamike Jarin ang magiging coach ng koponang pinangungunahan ni Kobe Paras.
(James Ty III)