Sunday , November 24 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 48)

HINDI LANG SINA JAY AT RYAN, KURSUNADA RINNI LUCKY SI MEGAN

“Kursunada mo siya, ‘Dre?” naitanong ni Ryan kay Jay.

“Oo, ‘Dre,” ang tugon ni Jay na mistulang naglalaway.

“Ikasa mo. ‘Dre,” paglalahad ni Ryan ng palad. “Pagdating sa chicks, e, talaga palang magka-taste tayo.”

“May the best man wins,” ang sabi nina Jay at Ryan sa pakikipagkamay sa isa’t isa.

“Naloko na… Kami-kami pa palang magkakatropa ang magiging magkakaribal kay Megan,” sa loob-loob ko.

Kaga-graduate lang naming tatlo sa kolehiyo noon at pare-parehong jobless kaya puro tambay ang aming inaatupag. Kalugar nina Jay at Ryan si Megan. ‘Yun ang lamang ng dalawa sa akin dahil mas mahabang oras ang pwede nilang maiukol sa panliligaw. Pero hanggang “ligaw-tingin” at puro porma lang pala sila. Nagmumukha tuloy silang sekyu sa labas ng inuuwiang bahay ni Megan. Para hindi sila masyadong maging halatain ay ginawa nilang tomaan ang lumang papag sa ilalim ng punong aratelis sa tapat ng bahay ng aming “apple of the eye.”

Walang kaalam-alam sina Jay at Ryan na kursunada ko rin ang chickababes na dinidis-pleyan nila sa halos araw-araw. At lalong walang kamalay-malay si Megan na dead na dead ako sa kanya. Pero hindi pwedeng buruhin ko na lang basta ang aking nag-uumalpas na feelings sa kanya. Gagawa at gagawa ako ng istrategi o gimik para magkakilala kami. At siyempre’y upang mapaibig ko siya.

Isang traysikel ang nagbaba ng pasahero sa harapan ng gate ng bahay ni Megan. Pag-ibis ng sakay niyon ay pakending-kendeng na naglakad patungo sa pakay na tirahan. Nakilala ko agad ang malanditang kaibigan ko, si Justin na may bansag na “Justin Bibe” sa aming barangay.

“Justin” kaway ko sa pagtawag sa kanyang pangalan.

Agad din naman niya akong namukhaan. Paglapit ko sa kanya ay parang mga pakpak ng ibon na bumuka ang mga braso niya. “Atoy ko!” ang naibulalas niya sa katuwaan nang yumakap at magbeso-beso sa akin.

Nagkumustahan at nagka-chika-chikahan kami nang konti. Nabanggit niya na magho-home service siya ng spa at manikyur –pedikyur kay Megan, ang may-ari daw ng beauty parlor sa Cavite City na kanyang pinamamahalaan. Mag-best friend umano silang dalawa. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *