Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater, Kia maghaharap sa Biñan

MAGHAHARAP ang dalawang expansion teams ng PBA na Blackwater Sports at Kia Motors sa isang exhibition game bukas sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Magsisimula ang laro sa alas-6 ng gabi kung saan ang mga kikitain nito ay mapupunta sa mga naging biktima ng bagyong Glenda na tumama sa Laguna at ibang mga lalawigan sa Katimugang Luzon kamakailan.

Pagkakataon ito ng dalawang koponan upang mag-eksperimento ng iba’t ibang mga kombinasyon bago sila maglabas ng kanilang mga final lineup bago ang pagbubukas ng bagong PBA season sa Oktubre 19.

Kagagaling lang ng Elite sa pagiging runner-up sa Penang Chief Minister’s International Cup na ginanap sa Malaysia.

Inaayos pa ng Kia ang lineup nito kahit pasok na sa roster ni coach Manny Pacquiao sina Paul Sanga, LA Revilla at Alvin Padilla.

“Ang medyo pino-problema namin is ‘yung iba, di pa nakakapirma, so di pa namin tuluyan maayos yung ensayo,” wika ni Kia assistant coach Glenn Capacio.

“Ang critical naman dito is everybody gets along well. Our formula for success hopefully is teamwork, we don’t want to have a superstar who will dominate the team,” ani Siliman Sy ng Blackwater.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …