Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangkay ng GF sinilaban kelot nagsunog din (Sinakal hanggang mamatay)

080114_FRONT

NAGA CITY – Kapwa tostado na ng apoy ang katawan ng magkarelasyon nang matagpuan sa loob ng lodging house sa Goa, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Nabatid na isang tawag ang ipinarating ng isang Rachel Uy sa himpilan ng pulisya hinggil sa sunog na sumiklab mula sa Room 9 ng Papelon Lodging house sa nasabing bayan.

Agad nagresponde ang mga pulis kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Goa ngunit laking gulat nila nang bumulaga sa kanila ang sunog na katawan ng isang babae at isang lalaki.

Tinatayang edad 20 hanggang 30-anyos ang dalawang biktima.

Nabatid na tatlong araw nang naka-check-in sa lodging house ang dalawa ngunit kahapon ay lumabas ang lalaki na hinihinalang bumili ng gasolinang ginamit sa krimen.

Sa inisyal na pagsisiyasat, may nakitang bakas sa leeg ng babae na posibleng sinakal muna bago binuhusan ng gasolina at sinilaban.

Pagkaraan ay sunod na sinunog ng lalaki ang kanyang sarili.

May nakuhang sachet ng shabu sa bahagi ng kwarto ng dalawa.

ni BETH JULIAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …