Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Austin Vasquez, bagong alaga ni Claire Dela Fuente na nagbabadyang sumikat ngayong 2014

 080114 Austin Vasquez  claire

ni Peter Ledesma

For the very first time, magha-handle na ng male talent ang Viva Recording artist/businesswoman na si Ms. Claire dela Fuente. Nang i-post niya sa kanyang Facebook Account ang sinasabi nating alaga ng singer na si Austin Michael Vasquez, na isang Fil Am, na sa sobrang kagwapohan, tangkad at “yummy” body ay thousands likers na agad ang nag-like ng kanyang picture.

Nang dalhin siya ni Claire sa opisina ng Viva at ipakita sa matalik na kaibigang si Boss Vic del Rosario, kaagad inalok ni Boss Vic si Austin ng 10 pictures contract na isa na siya sa magiging bida sa sikat na istorya sa Wattpad tulad ng mga blockbuster movie na Diary ng Pangit at She’s Dating The Gangster na kinagigiliwan halos lahat ng ating young generations.

S’yempre sobrang proud si Claire sa alok ni Boss Vic sa kanyang papable and papalicious protegee at very flattering naman for Austin.

By the way, kasalukuyang nasa States ang nasabing bagong iibiging hunk ng industriya dahil may mga importanteng bagay siyang inaasikaso roon.

Pero babalik rin siya ng bansa sa September para harapin na ang showbiz at i-fullfil ang dream na maging actor. Na-discover pala ni Claire si Austin, sa dinudumog niyang restaurant sa Seaside sa Macapagal Avenue na ang may-ari ng buong place ay Tita ng bagong gwaping na alaga.

Well nakikita na namin ang magandang future ni Austin sa hinaharap at nagbabadya ang pagsikat niya ngayong 2014.

GRAND FINALS NG SUFFER SIREYNA, MANGYAYARI NA BUKAS SA EAT BULAGA

Pagkatapos ng matagumpay na grand finals, ng Super Sireyna Worldwide na ang Miss Nigeria na si Sahhara ang siyang nagwagi bilang first titlist sa nasabing International Gay Beauty Pageant sa Eat Bulaga, mamayang tanghali naman ay tiyak na riot, ang magaganap na Grand Finals para sa kauna-unahang Suffer Sireyna 2014.

Kabilang sa 10 Grand Finalists na maglalaban-laban para sa iisang titulo na siyang mag-uuwi ng premyong P200K plus trophy and sash ay sina Miss China Marian Rivera, Miss Myammar Sam Pinto, Miss Czech Republic Marian Rivera, Miss Chile Georgina Wilson, Miss Malaysia Marian Rivera, Miss Norway Pia Guanio, Miss India Isabelle Daza, Miss Angola Georgina Wilson at another Marian Rivera na Miss Japan.

Bahagi ng cash prize na matatanggap ng tatanghaling winner na ang kalahati ay ibibigay sa barangay kung saan siya residente. Malaking puntos para sa magwawaging Suffer Sireyna ang naipon nilang plastic bottles at kung sino ang may pinakamarami at may pinakamabigat na timbang sa lahat ay ‘yun, ang malaki ang chance na makakuha ng korona sa araw na ‘yun.

Gaganapin sa Broadway Studio ng Eat Bulaga ang nasabing finals, na ang nag-imbita sa programa ng mga personalidad at popular celebrity sa kani-kanilang mga larangan para magsilbing judges sa nasabing event.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …