Sunday , November 3 2024

Asset ng pulis kritikal sa ambush

080114 gun hospital

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang pintor na sinasabing asset ng mga parak, makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Bernardo Mateo, 41, ng Heremias St., Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa ulo.

Batay sa ulat ng pu-lisya, dakong 10:30 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng SSS building sa MacArthur Highway, Brgy. Karuhatan.

May natanggap na tawag umano ang biktima mula sa hindi pina-ngalangang kaibigan at pinapupunta siya sa nasabing lugar upang big-yan ng mahalagang impormasyon.

Pagdating sa lugar biglang binaril ang biktima ngunit hindi tinamaan. Agad niyang pinaharurot ang motorsiklo para makatakas ngunit su-memplang kaya naabutan ng suspek na lulan din ng motorsiklo saka malapitan siyang binaril sa ulo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinasabing marami nang naibigay na impormasyon ang biktima sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkaka-dakip sa mga sangkot sa ilegal na gawain lalo na sa droga. (R. SALES)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *