Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, may lugar ba para makipagsabayan sa magagaling na artista ng Dos?

072614 Aljur Abrenica
ni Ronnie Carrasco III

ANY TV network has its share of imperfections, that is, kung ang pagbabasehan ay ang rigodon ng mga artista indicative only of their dissatisfaction sa takbo ng kanilang career.

We need not name names pero ang mga nagsisilundagan from one network to another—na pagkaminsa’y have gone full circle—compose a list which is infinite. Padagdag nang padagdag ang lalo pa’y humahabang listahan ng mga artista mula sa pinakasikat hanggang sa papasikat all the way to sikat nga pero hahanapan mo pa ng talent.

One classic example sa isang artistang maaaring masabing sikat nga ay si Aljur Abrenica, produkto ng artista search na Starstruck ng GMA. Pero sa tanggapin man o hindi ni Aljur—sampu ng kanyang mga kaanak—he’s just a pretty face na may makatulo-laway na pangangatawan.

And that’s just about it!

Acting talent-wise, mahihiya ang tinaguriang rice granary ng bansa dahil tone-toneladang bigas ang dapat ipakain kay Aljur para karapat-dapat siyang tawaging isang aktor in its primordial sense.

Nakapagtataka ngang sa dinami-rami ng mga project ni Aljur sa GMA, not even an ounce of fine acting ang nakita namin sa kanya, that he serves best as a Christmas giveaway dahil isa siyang HAMON!

The nerve na ipate-terminate niya ang kontrata sa GMA na magtatapos pa sa 2017 dahil hindi raw naa-align sa kanyang career direction ang mga plano sa kanya ng estasyon? What career direction is Aljur talking about, samantalang banong-bano nga siyang umarte, ‘no!

Kapos din daw ang GMA sa pagbibigay ng proteksiyon sa kanya, in what aspect? Sa nasira niyang image kuno nang makipag-break siya kay Kylie Padilla?

Sa ikinalat niyang relasyon daw ni Kylie kay Geoff Eigenmann, dahilan para halos isumpa siya ng ina ni Geoff na si direk Gina Alajar who vowed never to direct him sa kanyang future assignments?

What career protection is Aljur yakking about, samantalang pagkatapos lang ng ilang utot ay mayroon na siyang project agad? ‘Yun pa ba ang pinabayaan ng estasyong nagpasikat sa kanya na nagdala ng karangalan sa kanyang tatay na kamukha ni Victor Wood na nuknukan ng kayabangan?

Hindi pa raw tiyak ang estasyong lilipatan ni Aljur, another form of hypocrisy! Siyempre, between ABS-CBN and TV5, he’ll move heaven and earth para magsumiksik sa Kapamilya Network.

Ang tanong: saan lulugar ang isang non-actor na walang takot makikipagsabayan sa mga mahuhusay na artista ng Dos?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …